9.18.2007

Naka-1 din SA WAKAS!

Ang mundo sadyang nakapagtataka... gaya na lang ng tuwing may Lasalle-Ateneo.

Napapansin ko kadalasan ang mga taong manunuod sa laro ay dumadating ng batalya-batalyon (they come in troops) na waring nagmamarcha sa iisang patutunguhan. Makikita mo sa daan, sa lrt, sa mrt, at lalong lalo na sa kalapit na Mall ng Araneta. Siguro sa pagpatak pa lang ng alas-8 ang mga tao simula nang dumadagsa sa Cubao at kadalasan ang karamihan sa kanila ay namamalagi na lang malapit dito dahi sa pag-aabang ng laro. Makikita mo, para silang mga langgam, nagtutumpok tumpok at sunud-sunod, kadalasan lageng umaandar, gumagalaw, o di kaya'y nag-aantayan. Dalawang grupo ng mga langgam---ang iba nakaberde ang iba naka asul.

Bigla ka na lang tuloy mapapaisip? San galing itong mga taong to?!

Noong ako ay estudyante pa, sa tuwing may laban at may klase kame... nong unang taon namin (o noong kame ay tinatawag pang frosh), kadalasan ang mga klase isinususpende upang kame ay makapanuod. Lalo na dahil noong taon yon ay ang huling taon ni Ren-Ren Ritualo, bidang bida yata kame non. Pero sa mga susunod na taon, wala na! Kanya-kanya nang diskarte ito. Madalas sigurado cut na, o di kaya papasok ka lang para sa attendance pagkatapos non kunwari magbabanyo ka tos mag-iiwan lang ang isang libro o kaya ang buong bag mo sa silya mo, pagkalabas ng kwarto, ayon laya na. Gaya nga ng ginagawa ko non, No looking back na, dire-diretso lang. Isipin mo na lang for the school spirit. Malas na lang pag biglaan pa lang may exam o kung ano man. Pero kadalasan naman, kung wala talagang choice, may big screen naman sa canteen na pwede mo na lang silip-silipin habang nagklaklase ka. Yon nga lang, Baduy!

Ngayon naman na nagtratrabaho na ako (diumano), sadya kong naiisip. May mga tao kayang inilalagay yon sa mga saktong hinihiling nila bago pumirma ng kontrata sa isang kompanya na kapag huwebes at may laro ang Lasalle, lalo na kung ang kalaban ay Ateneo ay pihadong Half-day na sila o kaya ay on-leave na??? Madalas kase ang mga taong nakakasalimuha ko sa mga laro ay yaong mga pare-pareho din namang mga tao na nakasabayan ko pa din noong nag-aaral ako. (Subalit inaamin ko, talagang mabibilang na lamang kameng nagkikita kita sapagkat kadalasan ay yaong mga totoy at nene na mga estudyante na ang kasabayan namin!) O kagaya lang din ba ang karamihan sa aking sitwasyon?

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ganto ang simula... payapa at kalma. Lamang kase sila!


Ang mundo ng UAAP...

Akala ko babalik na ko sa aking dating buhay nang bigo. Sa season 70, nakakapanuod na ako ng 3 laro, at don sa lahat ng yoon, ni hindi man lang ako nakakanta ng aming alma mater song. In short, lageng talo! Mga panget na talo pa. Kulang na lang umuwi na ko kapag 4th quarter na, dahil kadalasan ang talo namin o ang mga kamalasan ay dumadagsa sa period na ito. Hay buhay....

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Sa huli, ito ay isa lamang laro...

May natatalo, may nananalo at may pinapanigan ng buenas. ... at mayroon din namang ipinagkakaloob talaga.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ito ang dahilan kung bakit mas masarap manuod ng gumagalaw (LIVE!), maingay na libre pa sumigaw at may bonus pang lobo!

Sa aming paboritong kalaban, isa lang ang aking nakabiting tanong... Hindi ba malungkot noong nawala kame?

Ang akin lang... masaya na ako nang makapanuod nang kahit na anong laban, yon lang makapanuod ng 3 laban, kahit puro talo OK na talaga. Pihado ganon din naman ang karamihan sa amin, basta masabi lang na naglalaro na ule OK na! Pero kagaya nga ng buhay, natural mente masarap din namang makatikim nang MAS OK pa!

No comments: