6.03.2007

Paminsan-minsan meron pa din namang mas mura sa P1.

Ang mga araw na lumipas ay sadyang napakabigat para saken... marahil alam mo kung bakit, marahil hindi. Ngunit ang importante don ay sinusubukan ko at pinipilit... ng sobra sobra... na makakalimot at wag nang isipin pa ang malulungkot...

Kaya eto na lang ang isipin naten:

1. Ang mayakap ko ang tatay ko ule... kahit sa panaginip lang. basta ung feeling na un.
2. Ang makasama ang pamilya ko tuwing pasko, bagong taon, at kung ano ano pang okasyon.
3. Ang kiligin... muli.
4. Ang maaliw dahil sa isang tao o dahil sa isang pangako na may taong padating o dadating.
5. Ang makatanggap ng tawag galing sa aking mga pamangkin para lang malaman ko na naalala pa nila ako.
6. Ang feeling na may inaabang abangan ka pa ding tawag o text o im.
7. Ang malaman na sa tuwing nagpupunta ang mga pamangkin ko sa bahay tuwing linggo ay tinatanong pa din nila kung nasan ako.
8. Ang mangkiliti ng bata at mapatawa sila ng todo todo.
9. Ang makapagpatulog ng bata... lalo na ang isang sanggol.
10. Ang makapagpatahan ng umiiyak na bata.
11. Ang makitang bigla na lang magliliwanag ang mukha ng isang bata dahil may natutunan galing sayo.... light bulb thought kumbaga.
12. Ang magkakuha ng kiss n hug galing sa aking mga estudyante araw-araw.
13. Ang malaman na importante ka at hinahanap-hanap pa din... sa buhay ng mga musmos kong estudyante.
14. Ang makabuos ng isang bote ng jose cuervo at mapabagsak sa dulo.
15. Ang malasing at wala nang malay pagkatapos.
16. Ang may malasing o mapatumba ng unang unang beses... lalo na ung sumusuka pa.
17. Ang makatae ng maluwag pagkatapos pigil-pigilin ito ng buong araw na nasa labasan.
18. Ang mahaching... with feelings.
19. Ang mautot nang maluwag sa yo at sa mga tao sa paligid mo.
20. Ang makatulog matapos ang napahabang araw... sa sarili mong kama sa loob ng iyong kwarto.
21. Ang kumain ng ice cream sa napakainit na araw o ang kumain ng ice cream araw-araw.
22. Ang kumain ng lusaw na chocolate.
23. Ang magkaron ng kasama na kumain ng kumain ng walang pakialam sa carbs, calories, at kung ano ano pa.
24. Ang tumawa ng todo todo tos biglang pipigilin at kailangan maging magseryosong mukha... at gagawin ito madalas kasama ang isang malaking grupo ng mga kaibigan.
25. Ang mapasigaw ng AAAAHHHH sa shower na bigla na lang lumamig ang tubig.
26. Ang magbabad sa beach sa ilalim ng napakainit na araw at pagkatapos ay sabay sabay kayong tatakbo sa tubig... at bigla na lang kayong may maririnig na fffsss na parang sabay sabay kayong tina-thaw.
27. Ang magbigay ng butchi na madume sa mga guro na paborito kayo.
28. Ang maglagay ng karatula sa labas ng bintana ng aming classroom para sa mga nagtitinda ng buko at ice cream.
29. Ang manuod ng sine na maingay kayong isang buong row kakasigaw o kakatawa.
30. Ang maglagay ng bubblegum sa kotse ng kaaway ng kaibigan ko.
31. Ang gumamit ng supot sa telopono at sabihing choppy ka at sabay bagsak.
32. Ang magtago sa isang taong kinaasaran mo.
33. Ang manlait ng mga tao na dumadaan sa paningin namin.
34. Ang hindi pag-inom ng inumin na ipinapadala sa table namin ng aking mga kaibigan tapos ay sabay sabay na pagkikilatis sa nagpadala nito at sabay alis. tse!
35. Ang tumawa lang ng buong maghapon... ng malakas.
36. Ang magkwentuhan ng sabay sabay at nagsisigawan kahit wala naman sa lugar na maingay.
37. Ang magcut at manuod ng sine. o kaya umuwi na lang.
38. Ang magdrop ng isang subject at i encash ang refund.
39. Ang maangas na sumakay sa isang family use na jeep at mapahiya pagkatapos.
40. Ang gumimik ng naka pangtulog.
41. Ang maligo... SA ULAN.
42. Ang magkagusto ng todo todo sa isang tao na bandang huli ay mapagsasawaan mo din.
43. Ang humirit, makahirit, at makarinig ng magandang hirit!
44. Ang manuod ng basketball... lalo na kung kilala mo pa ang mga naglalaro at talagang napapasigaw ka pa sa excitement.
45. Ang matulog ng lasing na lasing.

5 comments:

Mabel Garcia said...

Kung naririnig mo lang kung gano ako kalakas tumawa nung binabasa ko to, eh bingi ka na ngayon!

PRICELESS ito.

Anonymous said...

game ako sa number 16.

tara! uwi ka na!!

freefalldrifter said...
This comment has been removed by the author.
freefalldrifter said...

bilog ang mundo...
pero ang mas mahalaga,
bilog ang ring...wehehehe

just malapit na, panahon mo na rin.
kapit!

Justine-Justin said...

yeng,

pinipilit ko talga. sana nga makauwi ako. ihanda mo na baga mo ay atay pala.

lal,
oo nga bilog ang mundo. pero ok na ako. sige kahit mabagal na ang andar paikot saken. basta nag eenjoy ka pa, ok lang!

mae,
promise. kakain tayo ng todo pag uwi ko. kung kelan man un.